Mga giliw kong kababayang San Pableņo
Isa pong malugod na pagbati sa inyong lahat!
Sa Mayo 10 po sa araw ng Halalan 2010, ako po ay humihingi ng inyong pagtitiwala at pagtangkilik sa aking hangaring maglingkod bilang Konsehal ng ating lunsod.
Layunin ko na maibahagi ang aking kaalaman at kasanayan bilang guro at punong-barangay sa pagbalangkas at pagpapanukala ng mga batas at gawain na lalo pang makapagpapaunlad sa ating pamayanan sa larangan ng edukasyon, kultura at sining. Sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga Barangay Education and Cultural Arts Programs ay sisikapin kong higit pang maitaas ang antas ng karunungan ng ating kabataan at pamayanan upang lalo silang maging globally competent and competitive sa pagkakaroon ng marangal na kabuhayan at kabihasnan, at malalim na pagmamahal sa bayan na siyang susi tungo sa tunay na kaunlaran.
Ang katapatan at pagmamalasakit na ipinakita ko sa aking mga naging paglilingkuran, at sa aking pagkikipagkapwa-tao at ang taimtim ng pananampatalaya sa ating Poong Maykapal ang magiging gabay at lakas ko upang magiting kong harapin ang hamon na ibibigay ninyo sa akin sa Sangguniang Panglunsod.
Subukan po ninyo at patunayan na ang DATING BUBOT inyong lingkod, Arnel "Bobot"Cabrera Ticzon, ay NGAYO'Y HINOG NA HINOG NA SA PAGLILINGKURAN SA BAYAN.
Ang laging n'yong kapuso't kapamilya,
Arnel C. Ticzon
Pagpapakilala
- Taal na taga San Pablo, ipinanganak noong Mayo 14, 1958 sa ating lunsod.
- Mula sa angkan ng mga lingkod bayan, ika-anim na supling nina +Isagani Ortega-Ticzon (naging City Market Superintendent at pamangkin ng naging unang bokal ng ating lalawigan, Julian Ortega at ng isa sa naging magiting na alkade ng ating lunsod, Caring Ticzon) at Lourdes Aragon-Cabrera (isang retired public school teacher at apo ng unang mayor ng ating lunsod, Potenciano Cabrera)
- Kapatid nina Alan, Edgar, Alvin, +Ariel, Ares, Alex, Loisa at Lissa
- Nagtapos ng elementarya sa Dapdapan Elementary School noong 1971; ng high-school sa Ateneo de San Pablo noong 1975, at ng Bachelor of Science in Commerce major in Economics sa Laguna College noon 1979. Nakakuha rin ng 27 units sa pag-aaral ng MA in Literature sa U.S.T at 27 units rin sa pag-aaral ng MaEd major in Administration and Supervision sa San Pablo Colleges.
- Naging kawani ng SGV & Co. bilang Junior Libarian noong 1980-1981 at ng Pacific Banking Corp.bilang Credit Staff noon 1981-1987.
- Kasalukuyang English Instructor sa San Pablo Colleges (mula 1987 hanggang ngayon) at Punong-Barangayng Barangay III-D (sa kinalulugaran ng Alcantara at Villongco Subdivisons sa may bahagi ng Schetelig Avenue, Balagtas Blvd. At Alvares St.)
- Kasapi sa kasalukuyan bilang Auditor ng Liga ng Mga Punonng Barangay ng Lunsod ng San Pablo at Member ng Board of Directors ng Boy Scout of the Philippines, San Pablo City Council.
- Bilang alagad ng sining at tanghalan, naging project director ng Mutya ng San Pablo Search noong taong 2002-2004 at direktor at aktor ng maraming dulang pampaaralan, gayundin ng iba-ibang uri ng cultural events simula pa noong pagkabata hanggang sa ngayon.
Pasasalamat
Sa panahong ito ng aking paghingi ng inyong patitiwala at pagtangkilik, nais kong samantalahin ang pagkakaton upang magpasalamat sa lahat na humubog sa aking paglaki, pagkatao at kakayahan:
- sa aking mga magulang at mga kapatid;
- sa aking mga kaanak sa partido ng aking ama at ina;
- sa aking mga kaibigan at kakilala;
- sa aking mga naging guro sa elementary, high-school, college at graduate studies;
- sa aking mga naging kasama sa hanapbuhay at pagtuturo;
- sa lahat na mga naging estudyante ko;
- sa aking mga brothers at sisters sa Alpha Omega Curcillo Team;
- sa mga bago kong kaibigan sa San Pablo City Council ng Boy Scout of the Philippines;
- Sa aking mga kabarangay at mga kasama sa paglilingkuran sa Sanggunian;
- Sa aking mga kasama sa Liga ng mga Punong-Barangay sa pangunguna ng aming mahal na Pangulong Gener Amante;
- Sa ating butihing punong-lunsod, Mayor Vicente Amante at magaling na Congresswoman Ivy Arago sampu ng kanilang pamilya sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin upang palawigin kung sakali ang aking adhikain bilang lingkod-bayan;
- sa ating Dakilang Lumikha sa lahat ng biyaya at pagpapala.
Maraming salamat at lagi kayo sa puso ko!