Ang Aking Ipaglalaban sa May 10, 2010


Ang Lalawigan ng Laguna ay humaharap ngayon sa malalaking hamon ng panahon. Bagamat ito ay nagtala ng 2.8 Bilyong kita, ang serbisyo ng pamahalaan ay kinakailangan pa ring maiapaabot sa pinakamahihirap na mamamayan at barangay lalo na yung mga nasa laylayan. Ang epekto ng bagyong Ondoy ay naging paalala ng kapabayaan at pangaabuso sa kalikasan at patunay ng kakulangan ng kahandaan pamahalaang lokal para harapin ang mga ganitong kalamidad. Ang kinabukasan ay di mapipigil ang pagdating kung kaya ito ay dapat matugunan ng isang malinis, dinamiko, responsible, maka-masa, abanteng pagbabago sa pamamahala at lehislasyon.

Sa kabila ng paglago ng ekonomiya, patuloy pa rin ang di pagkakapantay-pantay at kakulangan ng saligang serbisyo at banta ng negatibong epekto ng urbanisasyon sa isang banda ng lalawigan at kapabayaan sa sector ng agrikultura kabilang banda.  Kinakailangan na sa pagsapit ng Halalan ng  May 10, 2010, ang prinsipyadong pagpili ang magtatalaga sa mga bagong pinuno ng lalawigang tunay na magsisilbi sa kapakanan ng mamamayan at kapaligiran.

Sa puntong ito nais kong iharap ang aking adyendang panglihislatibo na nilalayon kong ipursige kung ako ay inyong mapapagkatiwalaan bilang Bise Gobernador ng Laguna.  Sa pagharap na ito sa aking mga kababayan sa Laguna, ang pagbabagong aking iaalay, kung inyong mamarapatin at susuportahan, ay bunga ng aking pagmamahala sa lalawigang aking kinalakihan na nawa ay maihanda natin para sa sususnod na salin-lahi.  Kung kaya sa pagsapit ng Mayo 10, 2010, susumahin ko na ang nilalayon kong paninilbihan ay babaybay sa tunay na kaunlarang magsisilbi sa maliliit at mahihirap nating mga kababayan.

Computer-proficient at values-driven na edukasyon

Bilang isang dating lider estudyante at kasalukuyan pa ring mag-aaral sa Ph.D, nakibaka ako para sa edukasyong magbibigay kapangyarihan sa atin.  At sa kasalukuyang panahon, ang mga kabataang may edukasyong nagbibigay ng akses sa computer at internet ang siyang nakakalamang at nagkakaroon ng higit na kapangyarihan.

Bukod sa suportang ibinibigaya ng probinsya tulad ng silid-aralan, libro, at training ng mga guro, naninindigan ako sa pagbibigay halaga sa Information Technology (IT)  na pasilidad at gamit para sa mga pampublikong paaralan ng Laguna.  Napakahalaga nito upang ang ating mga magsisipagtapos ay maging kompetitibo sa panahon ng kanilang pagtatrabaho.

Kasabay nito, mahalaga pa rin na bigyang diin ang values education na maaaring maituro sa paaralan at iba pang program at channels ng pagkakatuto bilang importanteng gamit para idebelop ang mga kabataan upang maging reponsable at produktibong mamamayan.  Ang mga tinatanggap nating pagpapahalaga tulad ng kalayaan cultural, kapayapaan, pagkakapantaypantay sa kasarian ay nakatulong maisaayos ang buhay ng tao at kanyang kalayaan.  Napakahalaga na bigyang diin ito sa lahat ng pampublikong paaralan at maisama sa primera at sekundaryang kurikulum.

Makakalikasang Kaunlarang Pangekonomiya

Bilang isang aktibistang pangkalisan, babalansehin ko ang pangangailangan magamit ang ating yaman ng kapaligiran para sa kaunlarang pangekonomiya.  Habang di mapigil ang industriyalisasyon at paglaganap ng teknolohiya sa lalawigan, naghaharap ng bagong hamon at pormulasyon ang pangangalaga sa dalawang maselang usapin na ito.

Kung ako ay mahahalal na Bise Gobernador, ipapasok natin ang mahusay na mga ekspertong agad na magrerebisa sa paggamit ng lupa at planong inprastraktura ng lalawigan.  Ang pagrerebisa ay tutuon sa koordinasyon ng land use planning at transportation infrastructure partikular sa pampublikong sasakyan. Sa sandaling matapos ang pag-aaral, ang kanyang rekomendasyon ay agad na iimplementa sa pakikipagtulungan sa pamahalaang nasyunal at  sa pribadong sector.

Ipaglalaban kong dagdagan ang investment ng lalawigan sa mga parke at puno at maglulunsad ng performance cash grants sa mga barangay na siyang makikitang pinakanangangalaga ng kanyang kapaligiran.  Ang performance cash grant ay sasaklaw rin sa implementasyon ng waste segregation, implementasyon ng Clean Air Act, Solid Waste Management Act at iba pang mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

De Kalidad na Pangangalagang Pangkalusugan para sa lahat

Bilang isang social worker,  naging adbokasiya ko ang pagtitiyak ng maayos na nutrisyon sa mga batang Filipino at  pagkakaloob ng maayos na serbisyong pangkalusugan partikular sa mga mahihirap na may karamdaman.Ang maternal and child care na kay tagal ko nang ipinaglalaban bilang susi sa kahirapan upang sa ganun maiseguro ang kalidad at kapasidad ng mga mamayan kung sila ay tunay na kakalingain magmula sa sinapupunan pa lamang. Maitala ang numero ng mga babaing nagbubuntis sa bawat baranggay upang sila ay mabigyan ng kaukulang alaga.Maisulong ng mahigpit ang Community Data Board ng sa ganun nakatala sa bawat baranggay ang mga datos ng kailangang bigyan ng pansin kagaya ng bilang ng mga buntis, bilang ng mga walang trabaho, out of school youths, senior citizens, sanggol at manga bata at iba pang marginalisadong sectong  upang sa ganun mapaigting at maitama ang prayoridad ng pagbibigay serbisyo na nakasalalay sa aktwal na datos ng bawat baranggay. Sa nakakaalarmang resulta ng mga magaaral sa ating mga paaralang publiko nakita natin ang problemang di pagkakapasa sa highschool ng ating mga grade 6 students.Indikasyon ng kakulangan ng nutrisyon ang kalaban at kahinaan ng mga pangangatawan ng ating mag aaral. Kung ito ay magpapatuloy ang kalahati ng ating kabataan sa susunod na dekada ay hindi na magiging produktibo at kapakipakinabang ha hindi man lamang naibigay ang pontensyal nga bawat magaaral, hudyat ng pagsidhi pa ng mas matinding kahirapan.

Kung ako ay mahahalal bilang Bise Gobernador, ipagpapatuloy ko ang aking adbokasiya para sa kalusugan ng Filipino at isusulong ang pananagutan ng lalalwigan  para magbigay ng pangangalagang pangkalusugan para sa lahat lalo't higit sa mga kapus-palad na mga mamamayan ng Laguna.  Aking paninindigan na dapat ang lahat ng maralitang mamamayan ng Laguna ay maiapalista sa National Health Insurance Program o Philhealth.

Upang higit na maibigay ang pangangailangan medical ng mamamayan, ipaglalaban ko ang pagdadagdag pondo para sa mga Pagamutang Panlalawigan at pang Distrito.  Subalit higit na mahalaga, titiyakin ko na maisasabatas ang pagpapalakas ng mga Barangay Health Centers  upang maging desintralisado ang programang pangkalusugan na siyang magtitiyak ng mabilis at mas murang pangangalaga.    Pagagandahin ang mga ito upang amaktong primary hospital na maaaring ding maging paanakan.

"Pagmamahal" sa mga Kababaihan at mga Kabataan

Bilang isang mapagmahal na ina, titiyakin ko na sa loob ng aking termino, ang Lalawigan ng Laguna ay magiging lalawigang mangangalaga at magmamahal sa kanyang mga kababaihan at kabataan.

Kung ako ay mahahalal bilang Bise Gobernador, titiyakin ko ang ganap na implementasyon ng MAGNA CARTA for WOMEN o Republic Act 9710 sa Lalawigan ng Laguna.  Sa partikular, padadagdagan ko ang serbsiyong sosyal at legal na maaaring makuha ng mga babaeng biktima ng karahasan.  Ipupursige natin ang pagkakaroon ng Womens Desk sa lahat ng Barangay ng Laguna.

Sa pakikipagtambalan sa DOH, ang lahat ng kabataan ng Laguna ay dapat mabigyan ng Bagong Bakuna ng Hemophilus B influenza (HiB) at Measles, Mumps at Rubella (MMR) na bakuna dagdag ang mga tradiyunal na bakuna.  Ang mga naturan ay nakukuha na ng mga kabataang may panggugol ang magulang na kung ako'y inyong pagkakatiwalaan ay titiyakin kong makukuha naman ng mga anak mahirap na kabataan.

Naniniwala akong ang lahat ng mga pampublikong elementarya at high school ay dapat magkaroon ng pinagibayong programa ng kalusugan at nutrisyon na tutustusan ng lalawigan.

Protecting the Vulnerable Among Us

Ang Lalawigan ng Laguna ay dapat maging probinsya  kung saan ang mga maykapansanan (PWDs), ang mga senior citizen at lahat ng mga taong maaaring maging biktima sa kung anumang kadahilanan ay magiging protektado.

Kung ako ay mahahalal, isusulong ko na ang mga may kapansanan ay magkaroon ng institusyon nakalaan sa kanilang rehabilitasyon, edukasyon at training kasama ang paggamit ng mga bagong social technologies na epektibo at naaangkop sa pagtugon sa pisikal at ispiritwal na kapansanan.  Titiyakin ko na ang ganap na implementasyon at monitoring ng lahat ng batas at polisiya ukol sa PWDs sa particular, ang Accesibility Law, ang National Plan of Action for the New Decade of Persons with Disability.  Palalawaakin natin ang capacity building program para sa mga may kapansanan sa usapin ng serbisyo (hal. Access sa capital para sa negosyante).  Pagsusumikapan natin na sumunod sa patakarang mag-empleyo ng di bababa sa 10%  ng pwersa ng paggawa sa mga tanggapan ng pamahalaan  mula sa sector ng PWD.

At para sa ektor ng mga matatanda katulong ang ang pribadong sector, palalawakin natin ang mga institusyon sa Laguna na nagbibigay ng community based na pagkalinga, residensyal na pangangalaga, pang araw na serbisyo para sa mga matatanda na magsasama sa dagdag pakain at psycho-social na interbensyon, pati na rin ang paglikha sa kanila ng opurtunidad para muli silang mgaing produktibo.  Ating ganap na iimplementa ang Expanded Senior Citizen Act na magtitiyak ng 20% diskwento sa gamot, konsultasyon, laboratoryong eksamen at radiologic diagnostic na test at hospitalisasyon.

Walang mga bagong buwis/  Walang dagdag sa lokal  buwis at bayarin.

Bilang isang local na mambabatas, nakita ko ang kahalagahan ng pamumuhunan pra sa kaunlaran ng kabuhayan.  Lalo pa sa kakulangan ng trabahong pwedeng magpasweldo sa mga bagong gradweyt at mga nakatambay, mahalagang mahimok ang pamumuhunan sa lalawigan na siyang magtitiyak ng kabuhayan ng mamamayan.

Kung ako ay mahahalal bilang Bise Gobernador, ipaglalaban ko na walang dagdag buwis sa aking termino.  Wala ring mga bagong buwis na ipapataw lalo pa't ito ay makakaapekto sa mga maliliit na mamumuhanan.  Sa halip, dapat  mapagtuunan ng pansin ang  episyenteng koleksyon ng buwis.  Isusulong ko na mahikayat ang mga maliliit negosyo at microenterprises  sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tax  breaks para mahikayat ang pamumuhunan at pag-asa sa sarili.