|
Major Accomplishments as City Councilor
Para sa Kagalingan ng mga Manggagawa :
- Ordinansa na nag-aatas sa lahat ng may negosyo sa lunsod na 70% ng manggagawa (Rank and File) ay dapat residente ng San Pablo.
- Ordinansang nagtatag ng PESO o Public Employment Service Office na ang layunin ay makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan.
- Ordinansang nagtatag ng San Pablo City Tripartite Industrial Peace Council (SPCTIPC), isang lupon na haharap sa mga problema ng mga manggagawa at tagapamahala o employer.
- Resolusyon na humiling sa National Bureau of Investigation (NBI) na magkaroon ng Satellite Office sa lunsod ng San Pablo upang mabilis na matugunan ang pangangailangan sa clearance ng mga mamamayan.
- Resolusyon na humiling sa National Statistics Office (NSO) upang maglagay ng Census Serbilis Center upang mapabilis ang kanilang serbisyo sa lunsod.
Para sa kagalingan ng Sektor ng Magsasaka at Mangingisda :
- Ordinansang nagtatag ng Seven Lakes Fisheries and Aquatic Resource Management Council (SLFARMC), upang magkaroon ng boses ang sektor ng mangingisda sa mga binubuong programa ng pamahalaan.
- Ordinansang nagtatag sa City Agriculture and Fisheries Council (CAFC) na siyang derektang nagtataguyod sa programang pang agrikultura sa iba't-ibang barangay.
- Resolusyon na magkaroon ng kursong pang-Agrikultura at kursong Fisheries sa Dalubhasaan ng Lungsod Ng San Pablo upang mapaunlad ang industriya ng pagsasaka at pag-iisda sa lunsod.
Para sa kagalingan ng mga Kababaihan at buong pamilya :
- Ordinansang nagtatag ng Gender And Development Council (GADC), isang lupon na nagtataguyod ng mga karapatan at kagalingan ng mga kababaihan at nagbibigay ng mga programa upang maging matatag ang pamilya.
- Ordinansang nagbuo ng kodego ng Reprodaktibong Pangkalusugan na nag-aatas sa gobyerno na bigyan ng serbisyong pangkalusugan at tamang kaalaman sa pagpaplano ng pamilya ang mga mag-asawa sa lunsod.
- Ordinansang nagtatag ng San Pablo City Women, Family and Overseas Filipino Center na nangangalaga sa mga kababaihan, pamilya at balikbyan na nagbibigay ng counseling, livelihood training, daycare at reproductive health services.
Para sa mga kabataan :
- Ordinansang nagbabawal sa Video karera at nagsasaad ng parusa sa sinumang lalabag dito.
- Ordinansang nagbibigay panuntunan sa mga may-ari ng internet cafe/ computer game centers sa kanilang operasyon sa lunsod.
- Ordinansang nagbabawal sa illegal na karera ng sasakyan sa pampublikong lugar.
Para sa mga senior citizens :
- Ordinansang nagbibigay ng pribilehiyo sa mga nakakatanda na makapanood ng libre sa mga sinehan, mula lunes hanggang biyernes.
Para sa mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa :
- Ordinansang nagtatag ng Overseas Filipino Affairs Council (OFAC), isang lupon na nagbibigay ng programang pangkabuhayan sa balikbayan at kanilang pamilya.
|